Pinalawig pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang coverage para sa Hemodialysis sessions.
Ito ay matapos aprubahan ng PhilHealth Board of Directors na itaas sa 144 ang maaaring ibigay na sessions mula sa kasalukuyang 90 sessions.
Ayon kay PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer (COO) Atty. Eli Dino Santos, maglalabas sila ng isang circular para sa guidelines na ipatutupad.
Maaaring ma-avail ang nasabing coverage para sa Hemodialysis hanggang December 31.
Samantala, agad na inatasan ng PhilHealth ang lahat ng kanilang Regional offices at concerned Healthcare Facilities na tanggapin pa rin ang lahat ng mga mag-aavail na miyembro kahit lagpas na sa 90 session, basta inirekomenda ng kanilang doktor.