Dahil tag-ulan na naman, dapat ay mag-ingat tayo sa sakit na Leptospirosis.
Ito ay isang bacterial infection na nakukuha mula sa ihi ng mga hayop na apektado ng leptospirosis.
Ang ihi na may dalang leptospirosis ay maaaring mabuhay at tumagal sa lupa at tubig ng ilang linggo hanggang ilang buwan.
Maraming hayop ang may dala ng bacteria na leptospira tulad ng baka, baboy, kabayo, aso, daga at iba pang wild animals.
mga sintomas ng leptospirosis:
- mataas na lagnat
- sakit ng ulo
- nilalamig at nanginginig
- pananakit ng muscles
- pagsusuka
- jaundice o paninilaw ng balat at mata
- mapulang mata
- pananakit ng tiyan
- diarrhea
- rashes
Para maiwasan ang leptospirosis, iwasang maligo at magtampisaw sa tubig baha, gumamit ng proteksyon tulad ng bota at gloves kapag hahawak o lulusong sa tubig baha, tanggalin ang mga posibleng tubig na kontaminado ng ihi na may leptospira at siguruhing walang daga sa inyong bahay at kapaligiran.
Kung nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang araw at ikaw ay lumusong sa tubig-baha, kumonsulta agad sa doktor.