Magpapadala ng tulong ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga apektado ng magnitude 7 na lindol sa northern Luzon.
Ito’y makaraang ipag-utos sa regional at provincial offices ng ahensya ang pagbuhay sa kanilang disaster teams sa pamamagitan ng TESDAmayan Program.
Bagama’t walang nasawi o casualty sa mga empleyado ng TESDA sa hilagang Luzon, may ilang pasilidad naman ito na napinsala sa pagtama ng lindol.