Ilan pang ahensiya ng pamahalaan ang nagpadala ng tulong sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Kabilang dito ang Department of Social Welfare and Development na nagpaabot ng P4.7 million na halaga ng food at non-food items sa Cordillera Administrative Region at Region 2.
Kahapon din naghatid ng ayuda sa Abra ang Quezon City na nagbitbit ng 250 partition tents, 500 hygiene kits, 500 first aid kits, 500 COVID kits, pagkain at kitchen supplies.
Kasama rin sa kanilang ipinadala ang mga health workers na magsasagawa ng Mental health at Psychosocial services gayundin ng Rapid damage assessment and needs analysis.
Samantala, maliban sa mga nabanggit ay inihayag rin ng TESDA ang kahandaan nilang tumulong sa mga nasalanta ng pagyanig sa pamamagitan ng TESDAMAYAN’ Program.