Pinayuhan ng isang sikat na doktor ang masa na limitahan ang pagkain ng karne katulad ng baboy at baka lalo na sa may mga sakit sa atay.
Sa kaniyang Facebook post, tinalakay ni Doctor Willie Ong, isang Filipino cardiologist, Internist at Media personality, ang ilan sa mga paraan upang maalagaan ang atay.
Aniya, maaaring limitahan ang pagkain ng maalat na pagkain tulad ng instant noodles, asin, toyo, patis, sitsirya at mga de lata na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng presyon.
Dagdag pa nito, ang sobrang pagkain ng maprotinang pagkain ay maaari ring maging sanhi ng pagkasira ng kidney
Batay sa kanyang post, hindi pinapayo ng mga doktor ang Atkin’s Diet na nagrerequire ng mataas na protina sa diyeta na maaaring maging sanhi sa permanenteng pagkasira ng atay. —sa panulat ni Hannah Oledan