Pinaigting pa ng SM Foundation Incorporated (SMFI) ang pakikipag ugnayan nito sa Philippine Red Cross (PRC) para isagawa ang bloodletting activity.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Connie Angeles, Executive Director for Health and Medical Programs ng SMFI na tuloy pa rin ang pagsasagawa ng bloodletting activity kahit noong kasagsagan ng COVID-19 upang may mai-donate sa mga nangangailangan.
Hindi kami tumitigil, hindi tumigil ang Red Cross, hindi tumigil ang SM Foundation nang pagkuha ng mga dugo dahil alam natin noong panahon ng pandemiya hindi madali makakuha ng dugo sa ospital, sa mga gustong mag-donate, matatakot ka hindi mo alam san ka pupunta mabuti nalang ay naisasagawa pa rin natin ang ating bloodletting activities.
Ang programang SM Blood Bank ay inilunsad noong Setyembre 2011 at isinasagawa ito sa mga SM Malls Nationwide upang masolusyunan ang kakulangan sa suplay ng dugo tuwing may mga medical emergency, alinsunod sa health protocols ng Department of Health (DOH).
Kailangan talaga sundin yon because this is mandated by DOH, hindi ka papayagan talagang magsagawa ng iyong health missions kung walang social distancing, masks, alcohol before you enter tapos yung mga temperature check, pero ang pinakamagandang nangyare dito dahil ang mga senior citizens ang hindi nakalabas dahil ang tagal bago sila pinayagan na makalabas, magpa check-up, wala talaga silang kakayanan para makapunta sa ospital sa mga klinika, so ang ginawa namin ang SM Foundation kasama ang Red Cross pupunta kami doon sa SMDC chine-check up namin sila, dala namin ang mobile clinic mayroon kaming free X-RAY, ECG, Ultrasound lahat po ito libre para mapaglingkuran naman at matugunan yung mga health problems ng senior citizens na hindi nakatikim ng check up ng mga ospital ngayong panahon ng pandemiya.
- Connie Angeles, Executive Director for Health and Medical Programs ng SMFI
Kabilang sa iba pang programa ng SMFI ang Education Scholarship Programs, School Building Programs, kabalikat sa kabuhayan, at tulong express.
Samantala, nakapagsagawa na ng bloodletting activities ang SMFI sa National Capital Region, Baguio, Pangasinan, Nueva Ecija, Isabela, Cagayan Valley, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Quezon, Batangas, Bicol, Cebu, Leyte, Iloilo, Negros Occidental, Palawan, Cagayan De Oro, Davao, General Santos, Zamboanga, at sa mga SM Corporate Office.
Samantala, gaganapin naman ang susunod na bloodletting activities sa Setyembre. —sa panulat ni Hannah Oledan