Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, araw ng Martes.
Batay sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., P0.75 ang taas-singil sa kada litro ng gasolina habang P0.60 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P0.75 naman ang rollback sa kada litro ng kerosene.
Ipatutupad din ng Cleanfuel at Petro Gazz ang kaparehong price adjustments, maliban sa kerosene.
Epektibo ang price adjustment bukas ng ala-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng alas-8:01 ng umaga.
Samantala, magpapatupad din ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Ayon sa Petron Corporation, magkakaroon ng tapyas na P2.05 sa kada kilo ng LPG at P1.15 naman sa kada kilo ng Auto LPG na ipatutupad din sa Martes.
Nabatid na ito na ang ika-apat na sunod na buwang nagpatupad ng rollback sa LPG.