Inihayag ng isang eksperto na kahit sino ay pwedeng mahawaan ng Monkeypox virus sa pamamagitan ng close intimate contacts.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng Adult Infectious Disease sa San Lazaro Hospital sa Manila, ito ay isang impeksyon na ang lahat o sinuman ay nasa panganib.
Nilinaw din ng eksperto na ang mga sugat ng nasabing virus na umaabot nang mas mababa sa 10 hanggang 20 ay hindi kasing tulad ng chickenpox o smallpox na kumalat sa buong katawan.
Kabilang sa sintomas ng Monkeypox ang lagnat, headache, namamagang lymph nodes at sugat sa katawan.
Gayunman, sinabi ni Solante na mababa lamang ang case fatality rate (CFR) o bilang ng mga namamatay sa sakit kung saan pito ang naiulat na nasawi sa kabuuang mahigit 20,000 kaso sa buong mundo.