Umabot sa kabuuang 177 health facilities ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na tumama sa lalawigan ng Abra noong Hulyo 27.
Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang mga pasilidad na ito ay binubuo ng mga ospital, rural health facilities, barangay health stations, city at municipality health offices.
Aniya, pinaka-naapektuhan ng lindol ang Abra provincial hospital kung saan nakapag-set up na ang DOH ng mga tent at nag-deploy na rin ng mga equipment para rito.
Dagdag pa ni Vergeire na wala nang magiging abala sa medical services sa ospital dahil kasalukuyang tumutulong ang Philippine Medical Emergency team na kinabibilangan ng mga espesyalista mula sa iba’t ibang government hospitals.
Patuloy namang imo-monitor ng DOH ang mga naturang pasilidad.