Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi na kailangang bakunahan ang lahat ng mga Pilipino upang maproteksyonan laban sa monkeypox.
Ito’y ayon kay DOH Officer-In-Charge Ma. Rosario Vergeire ay sa kabila ng naitalang unang kaso ng naturang sakit sa bansa.
Aniya, ang mga kailangan lang magpabakuna ay ang mga “high risk individuals”.
Magugunita na Hulyo a-29 nang maitala ang unang kaso ng monkeypox virus sa bansa.