Isinusulong ng isang mambabatas ang panukalang magda-dagdag ng hanggang P20 bilyong pondo para sa Department of Agriculture (DA).
Sa House Bill 857 na inihain ni 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero, layunin nitong mataasan ang pondo ng da upang maisulong at maisaayos ang lahat ng mga hakbang para sa modernisasyon, pagpapalakas ng sektor ng agrikultura maging ang pangisda sa ating bansa, at maitaguyod ang mandato ng ahensya.
Ayon kay Romero, na batay sa World Bank Statistics noong 2013, ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay mayroong 30% na workforce, at 12% ng Pilipino Gross Domestic Product (GDP).
Nakapaloob din sa naturang panukala ang “Continuing appropriation,” upang maisama ang naturang pondo sa program of expenditures ng presidente sa loob ng susunod na tatlong taon.
Plano ring bumuo ng Oversight Committee, na siyang magsusumite ng mga report na may kaugnayan sa findings at rekomendasyon sa paggamit ng nasabing pondo.