Handa na ang Department of Education (DepEd) sa muling pagbubukas ng klase sa buong bansa.
Ito’y ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte kasabay ng National Kick-Off ng 2022 “Brigada Eskwela” nitong Lunes sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite.
Sinabi pa ng bise presidente na ginagawa ng kagawaran ang lahat ng kinakailangang paghahanda para sa papalapit na school year.
Gayunman, aminado si Duterte na posibleng magdulot ng excitement o anxiety sa mga guro, mga magulang at maging sa mga mag-aaral ang muling pagbubukas ng klase.
Sa kabila ng kasalukuyang public health situation at mga hindi inaasahang hamon tulad ng Monkeypox, baha, lindol at bagyo, kumpyansa ang pangalawang pangulo na malalampasan ito ng DepEd.
Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng determinasyon ng ahensya upang mapagtagumpayan ang kanilang misyon.
Una nang inanunsyo ng DepEd na magsisimula sa Agosto 22 ang school year 2022-2023.