Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 82,597 ang mga naitalang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.
Batay sa datos ng DOH, ang bilang ng mga kaso ngayong taon ay mas mataas ng 106% kumpara noong nakaraang taon.
Nabatid na karamihan ng mga kaso ay mula sa Metro Manila, Central luzon at Central Visayas.
Samantala, ngayong taon ay sumampa na sa 319 ang mga nasawi dahil sa nasabing sakit.