Ganap ng batas ang dalawang panukalang magtataguyod ng talento ng mga kabataang Pilipino.
Ito ang Senate Bill 2503 na nagdedeklara sa August 12 bilang National Youth Day at Senate Bill 2504 na bubuo ng National Music Competitions for Young Artists program (NAMCYA).
Sina Senators Sonny Angara at Ramon Revilla Jr. ang nagsulong ng mga nasabing batas na ipinadala sa Malakanyang noong Hunyo.
Ang mga ahensiyang bubuo sa NAMCYA ay ang National Commission on Culture and Arts, Departments of Education, Tourism, Interior and Local Government, Information and Communications Technology, Philippine Information Agency, Cultural Center of the Philippines at National Youth Commission.
Lahat naman ng paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa ay maglulunsad ng iba’t ibang aktibidad na may koneksyon sa naturang batas.