Ganap nang batas ang panukalang gawing 1,000 piso mula 500 piso, ang halaga ng buwanang pensyong matatanggap ng mga Indigent Senior Citizens sa bansa.
Ito ang Republic Act 11916 na ini-sponsor ni Senate Majority Leader Joel Villanueva at nilagdaan nina Executive Secretary Victor Rodriguez at pinagtibay ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Bukod sa buwanang social pension, magbibigay din ng opsyon ang naturang batas maliban sa cash payout.
Ililipat din ito sa pamamahala ng National Commission of Senior Citizens mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtatagal sa loob ng tatlong taon.