Aabot sa 500,000 pisong halaga ng tulong ang ipinaabot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Track and Field Legend na si Lydia de Vega-Mercado.
Sa turnover ceremony na pinangunahan ni PCSO Chairperson Junie Cua at General Manager Melquiades Robles, mismong ang anak ni de-Vega na si Stephanie Mercado de Koenigswarter ang tumanggap ng tulong.
Ilalaan ito sa medical treatment ng kaniyang ina na kasalukuyang nakikipaglaban sa stage 4 Breast Cancer sa Makati Medical Center.
Umaasa naman ang PCSO na makatulong ito para mas marami pa ang magbigay ng suporta sa beteranang atleta.
Si de Vega, ang itinuring na fastest woman sa Asya noong dekada otsenta at humakot ng 40 gintong medalya para sa Pilipinas.