Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Davao Oriental dakong alas-3:19 kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 32 kilometers Silangan ng Manay, Davao Oriental.
May lalim itong 10 kilometro at Tectonic ang pinagmulan.
Dahil sa pagyanig, naramdaman ang intensity 1 sa Nabunturan, Davao de Oro at Malungon, Sarangani.
Sinabi naman ng PHIVOLCS na posible ang aftershocks matapos ang lindol kaya pinag-iingat ang lahat.