Kinukumbinsi ng Department of Agriculture ang egg producers na taasan ang kanilang produksyon dahil sa mataas na demand nito.
Ito ayon kay Agriculture Assistant Secretary Khristine Evangelista ay matapos nilang makipag ugnayan sa egg producers partikular na yung mga nagbawas ng kanilang produksyon.
Sinabi ni Evangelista na ayaw nang mag operate ang egg producers dahil sa banta ng bird flu.
Nakikipag ugnayan na rin sila sa market master at quezon city government para makapag supply ng itlog ang ilang kooperatiba.
Tiniyak ni Evangelista ang tulong ng (BAI) Bureau of Animal Industry sa mga producer sa pamamagitan ng ayuda sa gitna ng mataas na presyo ng feeds.