Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaki ang magagawa ng National ID para sa maayos na pamamahagi ng ayuda sa poll workers.
Ayon sa punong ehekutibo, mas magiging maayos kung gagamitan ang National ID sa pamamahagi ng naturang benepisyo para sa mga election workers.
Aniya, mas magiging mabilis ang distribution kung may hawak na National ID ang mga beneficiaries para wala nang ibang proseso ang dapat gawin.
Kaugnay nito, siniguro ng pangulo na ipadadala nila ang financial assistance sa mga kinauukulan sa halip na sa pamamagitan ng tax subsidy na unang ipinanukala sa ilalim ng House Bill 9652.