Isinusulong sa House of Representatives ngayon ang isang batas na naglalayong mabayaran ng hindi bababa sa 2,000 pesos ang mga may-bahay na walang trabaho o mga full-time nanay.
Nakasaad sa House Bill no. 6-88 o Housewives Compensation Act na inihain ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda, na kinikilalang trabaho din na kailangang sahuran ang pagiging ina sa bahay, kasal man ito o hindi.
Mababatid na sakaling ito ay maisabatas ay sasailalim ang financial assistance sa pagsusuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang ang national household targeting system for poverty reduction naman ng DSWD ang bahalang tumukoy kung sino sa mga may-bahay ang kwalipikado.
Binigang-diin pa ni Salceda na mahalaga ang tungkulin ng mga ina sa lipunan na hindi sapat ang nakukuhang rekognasyon.