Humirit ang Department of Education (DEPED) ng 16 billion pesos na karagdagang pondo para sa pagsasaayos ng mga paaralan at klasrum na nasira ng matinding lindol na yumanig sa Northern Luzon kasama na rin ang pinsalang idinulot ng bagyong Odette at Agaton noong nakaraang taon.
Ayon sa DEPED Spokesman na si Michael Poa, hindi sapat ang dalawang bilyong piso na pondo para sa quick response kada taon upang matugunan ang mga sirang dulot ng natural na kalamidad at mga nagdaang sakuna.
Mababatid na aabot sa 180,000 hanggang 200,000 pesos ang aabutin na gawa pa sa light materials.
Samantala, plano ng DEPED na magtayo ng mga pansamantalang espasyo mga paaralang naapektuhan ng mga sakuna.