Tuluyan nang naging isang ganap na bagyo ang low pressure area na namataan sa hilagang bahagi ng bansa at nasa labas ng Philippine Area of Responsibility sa layong 455 kilometers silangang bahagi ng Itbayat, Batanes.
Ayon kay Pagasa weather specialist Daniel James Villamil, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kasalukuyang kumikilos ang bagyo pa hilaga sa bilis na 10 kilometers per hour at posible pa itong magbago pahilagang-kanluran patungong timog-silangang rehiyon ng China sa susunod na 24 oras.
Wala namang inaasahang magiging direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Patuloy namang makakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon ang southwest monsoon o hanging habagat kaya’t asahan na magpapatuloy ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes at Cagayan Region.