Sinimulan na kahapon ang karagdagang libreng sakay na inilunsad sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PITX hHad Jason Salvador, na ang karagdagang libreng sakay ay handog ng Office of the Vice President sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte-Carpio at sa pakikipagtulungan ng Department of Transaportation (DOTr) sailalim ng pamumuno ni Secretary Jaime Bautista.
Ayon kay Salvador, layunin ng pamahalaan na madagdagan ang mga ino-offer na libreng sakay sa bansa lalo na’t magsisimula na ang pagbabalik ng klase ng mga mag-aaral.
Sinabi ni Salvador na mabibigay din ang OVP ng dalawang bus na ilalagay sa Metro Manila para dagdagan at suportahan ang libreng sakay sa mga pasahero na magsisimula tuwing Lunes hanggang Sabado simula alas-4 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Iginiit ni Salvador na prayoridad ng kanilang ahensya ang mga mag-aaral na magbabalik sa face-to-face classes sa Agosto a-22.