Umabot na sa 41 panukala ang naisabatas simula July 1 o nang maupo sa pwesto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naaprubahang panukala ang Republic Act 11927 o Philippine Digital Workforce Competitiveness Act; Republic Act 11928 para sa pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad sa mga indibidwal na nakagawa ng karumal-dumal na krimen.
Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children; Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act; Private Security Services Industry Act; National Youth Day Act; at Summer Youth Camp Act.
Nilinaw naman ni Cruz-Angelez na walang “veto spree” si Pangulong Marcos sa mga panukala dahil lima lamang anya ang ginamitan ng veto powers at rasonable ang pagbasura sa mga ito.