Bumagal nitong Hulyo ang produksyon sa sektor ng paggawa sa Pilipinas.
Ayon sa S&P Global Philippines, bumagsak sa 50.8 ang Purchasing Managers’ Index (PMI) ng bansa mula sa 53.8 noong Hunyo.
Pinakamababa rin ang tala nitong Hulyo sa nakalipas na anim na buwan, at pinakamahina sa nakalipas na 11 buwan.
Ilan sa tinitignang dahilan ng pagbaba ng PMI ay ang pagsasara ng ilang negosyo dahil sa pagtaas ng presyo ng mga materyales.