Itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos si Carlo Dimayuga bilang acting Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na pinalitan ni dimayuga si MMDA Chairman Romando Artes.
Agosto 1 nilagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment ni Dimayuga.
Agad namang nanumpa ang bagong opisyal kay Executive Secretary Vic Rodriguez.