Handa ang Pilipinas sa posibleng pagkalat ng Monkeypox cases.
Tiniyak ito ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire matapos ma-detect ang kauna-unahang kaso ng naturang sakit sa bansa noong isang linggo.
Ayon kay Vergeire, lahat ng close contacts ng unang Monkeypox case ay nananatiling asymptomatic.
Nilinaw naman ng opisyal na bukod sa virus, isa sa mga hamon sa nabanggit na sakit ang misinformation at diskriminasyon sa mga infected, dahil hindi naman sexually transmitted disease ang Monkeypox.
Samantala, plano ng Department of Transportation na makipagtulungan sa DOH sa pagbuo ng guidelines upang maiwasan ang hawaan, partikular sa public transportation.