Inihain sa Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga gumagamit ng bangketa para sa commercial o personal purposes.
Ito ang House Bill 1252 o Unobstructed Sidewalks Act na ini-akda ni Pangasinan Congressman Ramon Guico Junior.
Alinsunod sa bill, kabilang sa mga ipagbabawal na gawin sa sidewalks ang paliligo, paglalaba at pagsasampay ng damit, pagbebenta ng mga pagkain at iba pang produkto;
Pagparada ng mga sasakyan at pagtatayo ng talyer, pagtatapon ng mga basura, paglalagay ng basketball court, paglalagay ng funeral services o burol, at pagsusugal.
Ayon kay Guico, sa oras na maging batas ang kanyang panukala, papatawan ng multang 10,000 hangggang 30,000 pesos o kaya’y pagkakakulong na anim na buwan hanggang isang taon ang mga lalabag.
Multang aabot naman sa 100,000 hanggang 500,000 pesos ang parusa sa mga lokal na opisyal na mabibigong ipatupad ang batas.
Ang mga pampubliko anyang lugar gaya ng sidewalks ay hindi dapat ginagamit sa mga personal na mga aktibidad kaya ang mga pedestrian ay walang magawa kundi dumaan sa kalsada na peligroso para sa kanila.