Umabot na sa 2,492 aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS matapos ang magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra.
Ayon sa PHIVOLCS, 840 sa naitalang aftershocks ang plotted o recorded habang 59 naman ang naramdaman, na may magnitude range na 1.4 hanggang 5.1
Inaasahan naman ang aftershocks sa bisinidad ng episentro ng naganap na lindol noong nakalipas na linggo.