Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na maglabas ng bagong listahan ng suggested retail price (SRP) ng mga school supplies.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, pinabubusisi na niya ang SRP ng mga school supplies dahil kulang ang detalye tungkol sa mga produkto kaya nagbibigay kalituhan sa mga konsyumer.
Batay sa lumang listahan, nakasaad lamang ang generic item ng isang produkto at ang price range nito pero hindi ipinapaliwanag na kaya magkaiba ang presyo nila ay hindi dahil sa seller kundi dahil sa quantity at quality.
Ayon sa kalihim, maganda naman ang intensyon ng SRP list pero dapat itong baguhin.
Samantala, umaasa naman ang DTI na mailalabas nila ang bagong listahan bago ang full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.