Itinulak ni House Committee on Senior Citizens Chairperson Rodolfo Ordanes ang panukala upang mabura ang compulsory retirement age na 65 years old sa mga manggagawa.
Ayon kay Ordanes, maraming empleyado ang kaya pang magtrabaho kahit na sila ay nasa nasabi nang edad.
Aniya, dapat ay hayaan ang mga ito na makapagtrabaho pa.
Samantala, batay sa pag-aaral ng Harvard Business Review, sinabi ni Ordanes na ang kaalaman at expertise ng mga senior citizen na pangunahing predictor ng job performance ay nagpapatuloy hanggang sa edad na 80.