Ipinag-utos na ni Comission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia ang pagpapatuloy ng pag-issue ng voter’s certification.
Ito ay matapos suspendihin ang issuance ng nasabing dokumento makaraang masunog ang bahagi ng COMELEC sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay Garcia, kung hindi ngayong araw ay sa Lunes sila muling mag-issue ng voter’s certification.
Mahalaga anya ang naturang dokumento lalo na sa mga Overseas Filipino Workers na nagre-renew ng kanilang mga passport.