Nangako ng tulong ang European Union para sa mga residenteng naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra noong nakaraang linggo.
Ayon kay ana Isabel Sanchez, Chargé D’affaires ng EU delegation sa Pilipinas, nagkakahalaga ng 800,000 euro o katumbas ng 45.27 million pesos ang ibibigay na tulong ng EU.
Layunin nitong mabigyan ng malinis na tubig, sanitation hygiene, mental health and psychosocial support services at edukasyon ang mga naapektuhan ng lindol.
Una rito, ini-activate ng Copernicus Emergency Management Service ang kanilang satellite imagery upang mapadali ang pagde-deliver ng tulong sa buong Northern Luzon.
Sa huling datos ng NDRRMC, mahigit 380,000 katao na ang apektado ng malakas na pagyanig.