Aabot sa 321 Pilipino ang namamatay kada araw o 117,000 kada taon dahil sa paninigarilyo.
Sinabi ito ng World Health Organization (WHO) kasabay ng paggunita ng National Lung Month ngayong Agosto.
Ayon sa WHO, aabot sa walong milyong katao sa buong mundo ang namamatay dahil sa paggamit ng tobacco products.
Agad namang nanawagan ang mga health expert na higpitan pa ang mga patakaran sa pagbebenta ng mga sigarilyo at e-cigarette o vapes.
Ilan din sa iminungkahi nila ang pagpapalawak ng smoke-free at vape-free environment; pagtaas muli ng buwis na ipinapataw sa sigarilyo at vapes; pagtanggal sa flavors ng vape products at taasan ang edad ng pinapayagang gumamit nito.