Nagtalaga na ng personal medical assistant si Pope Francis.
Ayon sa Vatican, kinilala ang nurse na si Massimiliano Strappetti, coordinator ng mga nurse at health facilities sa Vatican.
Babantayan nito ang 85 taong gulang na Santo Papa na nakitaan na ng pagbagal sa paglalakad.
Mayroon nang personal doctor si Pope Francis nang sumailalim ito sa intestinal surgery noong 2021.
Huling nagkaroon ng personal medical assistant ang isang Santo Papa, noon pang 2005 sa katauhan ni Pope John Paul The Second.