Isa ang nasawi sa pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Cebu.
Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson Gerry Carillo, narekober ang labi ng isang lalaki sa ilalim ng Vestil Bridge.
Inanod anya ng rumaragasang ilog ang hindi pa nakikilalang biktima, kagabi.
Nagsilikas naman ang mga residente sa Sitio Lub-Ang, Barangay Casuntingan sa Mandaue City dahil naman sa pag-apaw ng Butuanon River.
Ganito rin ang naging sitwasyon sa Sitio Laray, Barangay Tayud sa Consolacion makaraang umapaw hanggang highway ang ilog.
Apektado rin ng pagbaha ang ilang bahagi ng Toledo City, Talisay City, Naga City at Minglanilia habang stranded ang mga pasahero sa Lapu-Lapu City dahil sa taas ng tubig.
Sa pagtaya ng PAGASA, umabot sa 58.4 milimeters ng tubig-ulan ang bumuhos o katumbas ng 292,000 barrels ng tubig sa loob lamang ng ilang oras.