Aabot na sa mahigit 400 manggagawa ang nananatiling walang trabaho kasunod ng naganap na lindol sa Abra at ilang karatig na lalawigan.
Ito’y matapos ang higit isang linggo nang nangyaring pagyanig sa nabanggit na lugar.
Ayon kay DOLE-CAR regional director Nathaniel Lacambra na dahil na din ito sa nananatiling pagkasara ng kanilang pinapasukang mga establisimyento na nasa 21.
Maliban dito, sinabi pa nito na kanilang tinutulungan ang mga nasa tinaguriang informal sector workers gaya ng mga mangingisda at mga magsasaka sa pamamagitan ng ayuda at tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o TUPAD program.