Pinayagan ng Sandiganbayan ang mga government prosecutors na maghain ng mga sinumpaang testimonya ng mga saksi sa forfeiture case laban kay dating Justice secretary Hernando “Nani” Perez.
Sa isang resolusyon, inatasan nito ang prosekusyon na magsumite ng judicial affidavits ng lahat ng mga testigo sa kaso sa loob ng labinlimang araw.
Nag-ugat ang kaso sa alegasyon na humingi umano ng dalawang milyong dolyar si Perez kay dating Manila congressman Mario Crespo o Mark Jimenez noong 2001 upang hindi ito maisama sa kasong plunder laban kay dating Pangulong Joseph Estrada na may kaugnayan sa isang maanomalyang power plant project.