Inihayag ng SM Foundation (SMFI) ang naging proseso ng pagtugon sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Bless Bertos ng SMFI, dumaraan sa screening ang kanilang mga pasyente kung saan sinasabi ng mga ito ang kanilang mga nararamdamang sakit sa katawan.
Sa screening po kasi registration ng patient tinatanong kaso kung ano ‘yung chief complaint…in the medical field “chief complaint” is ano ‘yung nararamdaman mo, so if the patient is showing symptoms of COVID sine-separate na agad naming agad ‘yan at tine-test naming ‘pag negative ok you can join the rest, ‘pag positive we provide all the medicines, vitamins… of course wala lang kaming anti-viral medicine for COVID but we provide them medicines…paracetamol. We also have betadine gargle, we provide COVID care kit…we provide that to the patient and we endorse to the LGU kasi sila ‘yung mag-a-isolate at magka-quarantine.
Dagdag pa ni Dr. Bertos na matapos magpositibo ng kanilang mga empleyado, isinasalang pa muli ang mga ito sa isa pang Antigen test sa pang pitong araw, alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH).
Kapag negatibo ang naging resulta, maaari na muling mag-report sa opisina ang mga empleyado kung hindi nagpakita ng anumang sintomas.
Kahit may kaunting sipon lang or may kaunting plema ka sa throat you’re not allowed to report to the office…you can continue your work at home but you are not allowed to report to the office…kasi mae-expose ‘yung ibang employees…ganu’n katindi ‘yung pag-protect namin sa employees.