Magsasagawa ng panibagong live-fire military exercises ang China.
Kinumpirma ito ng Chinese Maritime Safety Administration sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan matapos ang pagbisita sa Taipei ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Sa pagkakataong ito ay ilulunsad ng China People’s Liberation Army ang mga aktibidad sa bahagi ng Bohai Sea, simula ngayong araw hanggang September 8 at Yellow Sea, simula kahapon hanggang August 15.
Hindi naman idinetalye ng China o Taiwan kung tuluyan nang nagwakas ang kanilang magkahiwalay na military exercises, kahapon.
Una nang iginiit ng Taiwanese Defense Ministry na ang apat na araw na military activity ng China ay isang pagsasanay sa pagsakop o pagbawi sa Taiwan.