Welcome sa Pilipinas ang posibilidad na magsagawa ng magkasanib na pagpa-patrol kasama ang US sa West Philippine Sea alinsunod sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs secretary Enrique Manalo matapos ang kanilang joint press briefing ni US Secretary of State Antony Blinken.
Ayon kay Manalo, maaaring isagawa ang Joint Patrol, dahil saklaw naman ito ng MDT at Mutual Defense Board and Security Engagements Board.
Biyernes ng gabi nang dumating si Blinken sa bansa para sa isang bilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Nag-courtesy call din ang US official kay Pangulong Bongbong Marcos noong Sabado at tiniyak ang pagpapaigting ng economic ties ng dalawang bansa.