Muling nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Quezon City matapos ang malakas na ulan kahapon.
Pasado alas-3 ng hapon nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan batay sa Rainfall advisory ng PAGASA sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Eciia, Zambales, Cavite at Laguna.
Ayon sa MMDA, gutter deep ang baha sa bahagi ng Timog Avenue maging sa EDSA-Balintawak Edsa hanggang sa A. Bonifacio Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City, dakong ala-4.
Umabot naman ng tuhod ang tubig sa kanto ng N.S. Amoranto at Banawe habang halos baywang na ang baha sa kanto ng Amoranto Street at G. Araneta.
Pasado ala-5 na ng hapon nang humupa ang baha sa mga nabanggit na lugar.