Ilalarga na ng Cebu City Government ang malawakang clearing operations simula Miyerkules, Agosto a – 10.
Layunin nitong marekober ang tatlong metrong easement sa mga ilog at waterways upang maiwasan ang casualty at mabawasan ang pagbaha tuwing malakas ang ulan.
Ipinag-utos na ni Cebu City Mayor Michael Rama ang paggiba sa tinatayang 2K istruktura sa gilid ng mga ilog matapos ang matinding pagbaha noong Huwebes dahil sa pag-apaw ng ilang waterways.
Kabilang sa mga umapaw ang Kinalumsan River sa Barangay Mambaling, na rumagasa at tumangay sa dalawa katao na kalauna’y nailigtas.
Ayon kay Rama, tinatayang 14K katao ang maaapektuhan sa sandaling simulan ang operasyon.
Nagpulong na rin ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Works and Highways, Division for the Welfare of the Urban Poor at Cebu City Environmental and Natural Resources para sa implementasyon ng proyekto.
Ilan sa mga tututukan ang demolisyon ng illegal structures na lumalampas sa 3 meter easement ng Kinalumsan River.