Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaring nakapagpalala sa pagbaha sa Metro Manila ang hindi pa rin natatapos na Flood control projects.
Ayon sa MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO) hindi pa natatapos ng DPWH ang pagtatayo ng pumping stations na magtataboy sana sa sobrang tubig sa Ermita at Malate, Maynila.
Simula pa noong Biyernes ay nakararanas ng pagbaha ang mga nasabing lugar matapos ang malakas na buhos ng ulan.
Ipinaliwanag ni MMDA- FCSMO head Baltazar Melgar na tatlong drainage outfalls sa Ermita at Malate ang isinara upang maiwasan sana ang pag-agos ng tubig-baha sa mga Pumping Station na mag-da-divert naman sa Manila Bay.
Dapat anyang isailalim muna sa treatment ang tubig mula sa mga lugar na nalubog bago itulak palabas sa Manila Bay upang mapanatiling malinis ang tubig dito.