Nagdeklara ng State of Climate Emergency si Makati City Mayor Abby Binay kasunod ng pagtaas ng temperatura at tubig-baha dahil sa climate change.
Paliwanag ng alkalde, naaapektuhan nito ang low-lying coastal areas, kabilang ang financial district ng bansa.
Kaugnay nito, nangako si Binay na paiigtingin ng Lokal na Pamahalaan ang mga hakbang upang matugunan ang climate change.
Umapela rin ang alkalde sa partisipasyon ng mga sektor ng negosyo, komunidad, at iba pang stakeholder upang mapangalagaan ang siyudad.
Mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang ilang mga ordinansa para sa kapaligiran gaya ng Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, Greenhouse Gas Reduction Ordinance at Plastic Ban.