Pumalo na sa P400 ang presyo sa kada kilo ng puting sibuyas sa Metro Manila.
Ito ay kasabay ng pagtaas ng ilang mga pangunahing bilihin tulad ng asukal sa mga pamilihan.
Nabatid na sa Pritil Market sa Maynila, isa sa mga nakitaan ng malaking pagtaas ng presyo ay ang mga white onions o puting sibuyas na sumirit sa P380 hanggang P400 kada kilo.
Wala namang nakitang paggalaw sa presyo ng pulang sibuyas sa merkado habang sinisilip na ng Department of Agriculture (DA) ang sitwasyon ng suplay ng puting sibuyas.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, magkakaroon ng konsultasyon sa mga stakeholder upang talakayin ang posibilidad ng pagpataw dito ng Suggested Retail Price (SRP).