Kailangang umangkat ng gobyerno ng 300 libong tonelada ng asukal bilang sagot sa kakulangan sa suplay nito.
Ito ay kasunod nang kabiguang makuha ang target na produksyon ng asukal.
Sinabi sa DWIZ ni United Sugar Federation of the Philippines (Unifed) President Manolet Lamata na sapat ang 300 libong tonelada ng asukal para mapunan ang pangangailangan sa suplay nito.
Kasabay nito, nanawagan si Lamata kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kalihim ng Department of Agriculture (DA) na i-convert ang ilang government lands para gawing areas of production ng asukal. – sa panulat ni Hannah Oledan