Inihayag ng isang Infectious Disease Expert na hindi kailangang itaas ang alert level kahit patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, ito ay dahil mayroong “metrics” kung kailan mag tataas ng alert level.
Bukod pa rito, maayos pa aniya ang health utilization ng bansa at hindi na gaano kaimportante ang numero ng kaso ngayon kumpara noong kasagsagan ng pandemya.
Dagdag pa ni Salvana, tinututukan na ng pamahalaan kung magdudulot ng surge ang Omicron sub variant na ba.2.75.
Tinututukan din kung posibleng dahilan ang pagbaba ng bilang ng mga sumusunod sa minimum public health standards o mphs sa pagdami ng kaso ng nasabing virus.
Samantala, hinimok ni Salvana ang publiko na patuloy pa ring magsuot ng face mask upang maiwasang mahawa ng naturang sakit. – sa panulat ni Hannah Oledan