Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na ilalabas na ng kongreso sa katapusan ng buwan ang kanilang desisyon kung matutuloy o hindi ang 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.
Naniniwala si COMELEC Chairman George Garcia na ipagpatuloy ang BSKE tulad ng nakatakda, dahil ito aniya ay magreresulta ng thriving democracy para sa bansa.
Mababatid na una nang sinabi ni Garcia, na “in full swing” na ang COMELEC sa kanilang paghahanda para sa BSKE, na kinabibilangan ng mga briefings at training ng kanilang mga top officials.
Kinumpirma rin nito, na nagastos na ang 5 million pesos mula sa budget na 8.4 billion pesos para sa voter registration at pagbabayad sa mga nagtrabaho para sa BSKE preparations.