Sumampa na sa 92,343 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y base sa National Dengue Data mula Enero a-1 hanggang Hulyo a-23 ngayong taon.
Nabatid na ang naturang bilang ng kaso sa taong ito ay mas mataas ng 118% kumpara sa mga naiulat na 42,294 cases sa parehong panahon noong 2021.
Samantala, sa buong bansa, mayroon nang naiulat na 344 deaths.